10K NO MORE! NO TO FIXER! 6k LANG MAY LICENSED NA!

admin
admin

Griko Estores

10k? Nooo moree!!

Motorcycle AT “A – L1, L2, L3”

– Theoretical Driving Course (TDC) = “1500”

– Medical authorized by LTO (valid for 2 months) = “450”

– Student permit fee = “250”

– Practical Driving Course (PDC) (A) = “2100”

– Exam fee = “100”

– Drive Test (motorcycle rent) = “250”

– Driver’s license = “585”

TOTAL = “5235”

The step by step process:

1. TDC = Kendra’s Driving Training Center(Tunasan Muntinlupa) Sobrang bait ng mga tao dito talagang matututo ka par! 3 days sessions, (15hrs)

2. Last day ng session papakuhain kayo ng medical walking distance lang sa center, less hassle at mura pa. Valid for 2 months kaya mas magandang after ng PDC mo asikaso ka na ng license para magamit mo pa yung medical mo sa pagpasa ng requirements para sa lisensya.

3. TDC, birth certificate at medical certificate ang kailangan for student permit (photocopy lang), pag nacomply mo na deretso ka na LTO pasa ng requirements, 250 lang babayaran. Tapat lang ng center yung LTO kaya di kana mahihirapan pa, walking distance lang ulit.

Total: 2200

Ps: 1 month ang hihintayin para magamit mo ang student permit para sa Driver’s license, may time ka pa para pag ipunan yung gagastusin para sa PDC at DL mo.

PDC and Driver’s license step by step process:

1. PDC – Kendra’s Driving Training Center Muntinlupa 2100 only, ang kagandahan dito 1day session lang mga parekoy! 8hrs. Solid magturo dito dami ko natutunan salamat kuya Pao Bravo🙇🏻‍♂️

2. Pag natapos mo na sessions sa PDC kahit kinabukasan punta ka na ng LTO.

3. Punta ka ng counter, apply for new driver’s license ipasa ang original copy of TDC, PDC, student permit and medical certificate may ibibigay silang form na fifill up-an mo tapos sunod-sunod na yon.

= Exam 48/60 passing score = 100.00

= Drive test (motorcycle rent) = 250.00

pag nakapasa ka na wait ka nalang sa release ng license mo within that day, 585.00php ang babayaran.

“Total: 3,035”

Madali lang ang exam, naka 58/60 nga ako eh hahaha, try niyo idownload yung app na nasa picture, pagaralan mo lang pwede mo na ma perfect ang exam. May binibigay ding manual ang “Kendra’s Driving Training Center after” ng session pwede mo din basahin.

Sa exam may option na english or tagalog ikaw na bahala kung san ka mas komportable.

Madami ang possible question, may situational at road signs pero 60 lang ang kukunin nila. Intindihin mo ng maigi yung mga tanong, wag ka maover confident kasi baka may mga factors ka na ‘di maconsider sa pagkaka-construct ng questions.

DRIVE TEST:

– paiikutin lang kayo, bawal ibaba ang paa once nagstart ka na. check the brake, signal light, headlight, tire and horn before ka magstart and don’t forget to wear your helmet and signal light every time na liliko ka at patayin kapag nakaliko na. meron dun bumagsak, ‘di na pinatay yung signal light kasi maikli lang iikutan tinamad na ata magpatay-bukas hahaha, yung isa din don nakalimutan naman magsuot ng helmet, 1 month bago pinabalik, yun ata pinaka mahigpit. Ang makalimutan mag helmet. Sabagay kahit naman sa rides di mo pwedeng kalimutan yon💯

Okay lang bumagsak, wag panghinaan kasi nakakapressure naman talaga pag may nagbabantay sa’yo kahit marunong ka pa hahaha.

Goodluck man! Kuha kana din😁✌️

Share this Article
Leave a comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

adbanner