MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) ang mga kumpanya ng pagkain na baguhin at alisin ang mga industrially-produced trans fatty acids (iTFA) sa kanilang mga produkto sa Hunyo 18, 2023.
Ayon kay Officer In Charge Undersecretary Beverly Ho ng Public Health Services Team ng DOH, ang trans fat ay maaaring mauwi sa mga sakit sa puso.
Ngunit ano ang trans fat?
Ayon kay Health Linemayroong dalawang uri ng trans fats: natural at artipisyal.
“Ang mga trans fats, o trans-fatty acids, ay isang anyo ng unsaturated fat. Dumating sila sa parehong natural at artipisyal na anyo. Ang natural, o ruminant, trans fats ay nangyayari sa karne at dairy mula sa ruminant na hayop, tulad ng mga baka, tupa, at kambing. Ang mga ito ay natural na nabubuo kapag ang bakterya sa tiyan ng mga hayop na ito ay natutunaw ang damo. Ang pinakakilalang ruminant trans fat ay conjugated linoleic acid (CLA), na matatagpuan sa dairy fat. Ito ay pinaniniwalaan na kapaki-pakinabang at ibinebenta bilang pandagdag sa pandiyeta,” sabi ng Healthline.
“Gayunpaman, ang mga artipisyal na trans fats – kung hindi man ay kilala bilang pang-industriyang trans fats o bahagyang hydrogenated fats – ay mapanganib sa iyong kalusugan. Ang mga taba na ito ay nangyayari kapag ang mga langis ng gulay ay binago ng kemikal upang manatiling solid sa temperatura ng silid, na nagbibigay sa kanila ng mas mahabang buhay ng istante,” dagdag nito.
Sa panayam ng media noong Miyerkules, sinabi ni Ho na ang trans fats ay nakakatulong sa mga sakit sa puso.
“Essentially, the set of diseases called cardiovascular diseases or non-communicable diseases na nagco-contribute ng pagbara ng mga arteries natin at alam natin na ‘pag nababara siya, pwede tayong atakihin sa puso. ‘Yung effect niya is accumulation, years and years of eating unhealthy, magbabara po sa mga arteries natin,” she said.
Sinabi ni Ho na ang 3-in1 na kape ay bahagi rin ng listahan na mayroong trans fats.
“Ayaw nating ilagay ‘yung pressure sa bawat individual na tingin tayo ng tingin sa label ng mga nakikita natin sa groceries or supermarkets, that’s why we’re working with the industry para tanggalin siya and in turn kahit ka tumingin sa supermarket, alam mo na wala na siya do’n,” she added.
I appreciate you sharing this blog post. Thanks Again. Cool.